Proud na pinatunayan ng Kapuso actor na si Mike Tan, na hindi naging hadlang ang kaniyang pagiging isang artista at pagiging hands-on sa kaniyang pamilya, upang makamit ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
Credit: @imiketan on Instagram
Sa kabila ng kaniyang pagiging busy sa paggawa ng mga teleserye at pelikula, isama pa ang pagiging isang butihing ama sa kaniyang mga anak na sina Victoria at Priscilla, at ang pagiging isang asawa sa kaniyang misis na si Cris, ay nagawa pa ring magampanan ni Mike ang kaniyang responsibilidad bilang isang estudyante.
Sa katunayan nga nito ay isang napakagandang balita ang ibinahagi ng aktor sa kaniyang mga followers na kung saan si Mike ay isa na ngang degree holder.
Credit: @imiketan on Instagram
Sa unang IG post ng aktor ay makikitang nakatayo ito sa tabi ng isang television screen, na kung saan ay naka-display ang kaniyang larawan na nakasuot ng toga at proud na ipinakita ang kaniyang virtual graduation.
Aniya, “I am grateful to God for His presence, provision, and His pipelines of grace, like:”
Credit: @imiketan on Instagram
Mula sa kursong Bachelor of Arts in Psychology ay maligayang nakapagtapos si Mike sa Arellano University, na siyang pinasalamatan naman niya ang mga taong tumulong sa kaniya upang tuparin ang kaniyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.
View this post on Instagram
Ilan sa mga binigyang pasasalamat ng aktor ay ang kaniyang manager na si Vic Del Rosario, ang kaniyang handler na si Gerald Chiang, at maging ang kaniyang mga professor, highschool teacher, kaklase, at mga kaibigang celebrities na tumulong sa kaniya sa kanyang research.
Credit: @imiketan on Instagram
“my manager Boss Vic @bossenteng, Gerald @gehgehc my handler, my professor friend Jules @pleurotus_djamor, my high school teacher Ms. Aida Reyes-Guloy, and my best friend AJ @iamannejohanna who all helped me with my initial enrollment requirements; our ETEEAP coordinator Ms. Faye Palanca @mariecherrinefaye who patiently assisted me from the start till the end of the school year; my supportive and helpful classmates Des Ygot @dess_ert, JM Santos @empoysantos16, Say Basilan @saybasilan, and our class president Christopher Jalbuena @chrisjalbuena; ALL OUR UNIVERSITY PROFESSORS AT AU, especially Prof. John Marc Balano and Prof. Nestor Limqueco; my thesis adviser Dr. Jinamarlyn Doctor @jainah06 for her encouragement, kindness, and guidance; the thesis defense panelists Dr. Paulo Macapagal and Dr. Hazel Martinez whose insights helped improve my research; ALL MY FELLOW ACTORS AND CELEBRITIES WHO EAGERLY PARTICATED IN MY RESEARCH.”
Samantala, pinasalamatan rin ni Mike ang kaniyang mga kapatid at mga magulang, pati na rin ang kaniyang pinakamamahal na asawa at ang kanilang dalawang anak na sina Toni at Prisci.
“my parents and siblings; my wife Cris and my daughters Tori and Prisci who inspired me to go through this program (despite the pandemic) and finally receive my college degree–I THANK THE LORD FOR ALL OF YOU” saad nito.
Credit: @imiketan on Instagram
Tunay ngang hindi hadlang ang bagal o bilis ng pag-usad ng mga tao sa pagtupad ng minimithing pangarap. Dahil katulad ni Mike, ay may tamang oras at pagkakataon upang makamit ang bawat bagay tulad ng pagtatapos ng ating pag-aaral.
The post Mike Tan, abot langit ang saya sa kanyang naging pagtatapos sa kolehiyo appeared first on The Trending Planet.
Mike Tan, abot langit ang saya sa kanyang naging pagtatapos sa kolehiyo
Source: Pinoy Hamster
0 Comments