Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Mariel Padilla, ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakamaaliwalas na bahay

Masarap nga naman na magkaroon ng isang bahay na talaga nga namang naging saksi sa mga pangyayari sa inyong buhay na mag papamilya. At kay sarap din naman na bumisita sa bahay ng malapit mong kaibigan.


Credit: Toni Gonzaga Studio Youtube Channel

Sa pilot episode nga ng Toni Gonzaga Studio na youtube channel ni Toni Gonzaga, ay talaga nga namang espesyal na surpresa ang kanyang content—binisita nya si Mariel Padilla sa tahanan nito “Toni Tours Mariel’s House” title ng nasabing vlog.

Sa una ngang bahagi ng video ay pinag buksan nga ni Mariel ang kanyang kaibigan na si Toni na noo’y nakasuot ng sleeveless na coffee like ang kulay na tinernuhan ng light coffee slacks. Samantala si Mariel ay nakasuot ng blue green na dress.


Credit: Toni Gonzaga Studio Youtube Channel

Unang natanaw sa bahay ni Mariel ay ang playground, bago pa man iyon ay sinabi ni Mariel na ang bahay na tinutulyan nya ngayon ay ang tinatawag na dowry ni Robin Padilla na isang Muslim.


Credit: Toni Gonzaga Studio Youtube Channel

Ayon kay Toni ito ang kanyang pinaka unang punta sa bahay ni Mariel pagkat noong nakaraan ay hindi sila natuloy dito, “never natuloy” aniya nya kasabay din ng sabi ni Mariel.

Matapos ay pumasok na sila sa mismong entrance ng bahay, pinapili nga muna sya ng kanyang susuotin na pang paa sa loob, “very Asian” ani pa nga nya dahil karaniwan nga itong ginagawa sa isang bahay ng mga Filipino kung saan hinuhub@d ang pangyapak sa labas.

Unang nasambit ni Toni pagpasok sa loob ay kung nag pa interior design sila, na nilinaw naman ni Mariel na sila lamang talaga ang nag ayos sa bahay nila, “Hindi, kami lang tuh” sabi ni Mariel, napatanong kasi si Toni kung bakit walang kurtina, na akala nya ay style ni Mariel iyon.




Credit: Toni Gonzaga Studio Youtube Channel

Mapapansin talaga na napaka cozy ng kanilang bahay at very accommodating ang ambiance dahil sa maliwanag ang loob nito. Simula sa papasok ng gate hanggang sa loob ng bahay pati sa dining area ay bonggang bongga ang mga kagamitan at tila pa nga sinauna.


Credit: Toni Gonzaga Studio Youtube Channel

Sa dulo naging maganda nga ang naging pagbisita ni Toni sa bahay ni Mariel.

The post Mariel Padilla, ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakamaaliwalas na bahay appeared first on The Trending Planet.



Mariel Padilla, ipinasilip ang kanilang napakaganda at napakamaaliwalas na bahay
Source: Pinoy Hamster

Post a Comment

0 Comments