Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang ipinagawa na napakagandang opisina

Sa tuwing bagong taon palagi nga natin sinisiguro na magiging productive tayo. Para nga iyon magawa karaniwan bumubili tayo ng Year Planner, Books for 365 days motivations, mga calendar, pati nadin pag aayos ng lugar kung saan nagaganap ang pagtatrabaho.

Sa kanya ngang latest vlog sa youtube, makikita si Bea Alonzo na nag to-tour sa kanyang na-renovate na condo para gawing creative workspace. Pinamagatan nya nga ang video nang, “MY NEW JAPANDI-INSPIRED OFFICE TOUR! Renovating my Condo into a Creative Workspace.”

Sa pasimula nga sinabi nya na ipapakita nya ang tinatawag nyang workhub o mini office. Pinakita nga nya ang ilang mga area ng kanyang condo na talagang cozy at maaliwalas tignan. Sa pag pasok ay makikita ang flutted panel at ang kanyang French mirror wall.

“So gusto kong magcreate ng parang minimalist and fluid hallway” ani pa nya habang pinapakita ang area. Dahil ayon sa kanya, gusto na tila grand entrance ito papuntang loob.

Ang kanya ngang condo na renovate into a working space ay Japandi Style na ang ibig sabihin ay kombinasyon ng Scandinavian functionality at Japanese rustic minimalism para makapag likha ng ‘feeling of art, nature, and simplicity’, kabog hindi ba?

Ang habol nya talaga kung kaya ito ang napiling design ay dahil ayon sa kanya gusto nya ng ‘calming space’ na talaga namang na provide ng style na ito.





Makikita din ang aesthetic but functional flutted panel kung saan nagse-serve as a wall at kung saan tila nag ha-hide ng kanyang kitchenette, “Functionality is the key” ika pa nya habang ini-slide ang panel.

Isa pa ngang nakakahangang area ay kung saan nakalagay ang kanyang electrical panel board, ito ay sa mismong French mirror wall, ganoon din ay makikita ang pinto papunta sa bathroom. Matapos noon ay pinakita nya ang kanyang living room na may flutted panel din ay kapansin pansin ang minimalism dito.

“It’s really small, not like the other offices” ani pa nya dahil para sa kanya ito ay hindi talaga office space kundi creative hub nya at ng kanyang team.

The post Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang ipinagawa na napakagandang opisina appeared first on The Trending Planet.



Bea Alonzo, ipinasilip ang kanyang ipinagawa na napakagandang opisina
Source: Pinoy Hamster

Post a Comment

0 Comments