Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Heart Evangelista, ipinasilip ang kanyang napakaganda at napakamaaliwalas na van

Sa kaniyang pangalan na Heart Evangelista ay kaakibat nito ang kaniyang nakakabilib at nakamamanghang lifestyle, na kung saan ang mga salitang classy, elegant, engrande, at fashionista ay ilan lang naman sa mga salitang nagpapakahulugan sa masaya at makulay na buhay ngayon ng aktres.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Magmula sa kaniyang mamahaling kasuotan at kagamitan, isama pa ang kaniyang mga naggandahang bahay at magagarang sasakyan, ay talaga nga namang wala ng nanaisin pa ang sino man dahil tila nga naman lahat ng maganda sa buhay ay nasa kaniya na.

Maliban pa sa mga ito, ay hinangaan rin si Heart sa kaniyang pagiging isang mahusay na artista, na handang makisabayan sa kaniyang mga kapwa aktor at aktres sa showbiz pagdating sa kanilang mga taping.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Kaya naman sa pagkakataong ito ay isang bongga at mala glamurosong sasakyan ang naipundar ng aktres, na kaniyang tinawag bilang “the van na nakaka-artista,”.

“A few months ago actually, I decided to invest on this van and really have it pimped up because it is an essential to what I do.”


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Sa panibagong vlog na ibinahagi ni Heart sa kaniyang YouTube channel, ay makikitang ipinasilip ng aktres ang sosyal at napakagandang loob ng kaniyang customized artista van.

Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan na sina Mark Bumgarner at Primera Klasse, ay naisakatuparan nga ang gustong disenyo ng aktres na naka-batay sa kaniyang mga pangangailangan sa biyahe.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Aniya, “It’s actually a collaboration with my good friend Mark Bumgarner and Primera Klasse. They really did everything for me because Mark knows me so all my needs, all of the necessities are here.”

Pagbukas pa lamang ng kaniyang sasakyan ay sasalubong na sayo ang dalawang luxurious car seats, na kung saan ay mayroon na din itong heater at massage na perfect para sa katawan ng aktres dahil siya ay lamigin.




Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

“There is also a massage. You can heat your chair bilang lamigin po ako. This is essential for me. I start work at 3 in the morning. We’re usually on the road by 4:35 so for my glam team and for the people who I work with,” saad nito.

Ilan pa sa kaniyang ipinasilip ay ang galaxy mode ceiling ng kaniyang sasakyan, ang kaniyang mini pantry cabinet, customized na window plane para sa kaniyang mga van window, isang flat TV screen, DVD player, at ang kaniyang pull-out van table.

Bukod pa rito ay tila mas naging agaw pansin naman sa kaniyang mga viewers ang ipinakitang ito ng aktres, na kung saan ay sa loob ng kaniyang sasakyan ay makikita ang mini sala nito at ang kaniyang sariling vanity mirror.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

Mayroon rin sariling mini closet si Heart na kung saan ay dito naman kadalasang nakalagay ang kaniyang mga jackets.

Kwento pa ni Heart, ang kaniyang Mercedes-Benz Sprinter van na ito ang isa nga sa kaniyang maituturing na “best van”, mula sa kaniyang mga van na sasakyan dahil ayon pa umano sa kaniya ay mas mature ito kung tingnan.


Credit: Love Marie Escudero Youtube Channel

“So I always had a van. It came in different versions but I feel like this would be one of my best vans because it is the more mature van.”

The post Heart Evangelista, ipinasilip ang kanyang napakaganda at napakamaaliwalas na van appeared first on The Trending Planet.



Heart Evangelista, ipinasilip ang kanyang napakaganda at napakamaaliwalas na van
Source: Pinoy Hamster

Post a Comment

0 Comments