Ticker

6/recent/ticker-posts

Header Ads Widget

Coleen Garcia at Billy Crawford, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Amari

Tunay nga na hindi kailanman matatawaran ang sayang hatid ng mga anak sa kanilang mga magulang.


Credit: @coleen on Instagram

Bilang isang butihing ina at mapagmahal na asawa na tulad ng aktres at celebrity mom na si Coleen Garcia, isa nga sa kanyang labis na ipinagpapasalamat ay ang makitang masaya at malusog ang batang kaniyang dinala sa loob ng siyam na buwan sa kaniyang sinapupunan.

At ito nga ay ang cute na cute na anak nina Coleen at kaniyang asawang si Billy Crawford na si Amari, na isa sa mga kinagigiliwan at pinanggigilang celebrity baby ngayon sa mundo ng showbiz.


Credit: @coleen on Instagram

Magmula nang dumating si Amari sa buhay ng mag-asawa, ay talaga nga namang napuno ng saya ang kanilang pamilya na siyang nagsilbi itong kanilang bundle of joy.

Talaga nga namang hindi na mapipigilan pa ang mabilis na paglipas ng panahon dahil ang ubod na kakyutan na anak nina Coleen at Billy, ay masayang ipinagdiwang ang kaniyang 2nd birthday nito lamang September 10, 2022, araw ng Sabado.


Credit: @coleen on Instagram

Sa Instagram post ng celebrity mom, ay makikita ang napaka-cute na litrato ni Amari, na kung saan ay makikita ang labis na kagwapuhan nito sa kaniyang mga solo photos.

Kalakip ang mga larawan na ito ni Amari, ay isa namang taos pusong mensahe ang siyang iginawad ni Coleen para sa kaarawan ng kaniyang unico hijo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coleen Garcia Crawford (@coleen)


Aniya, “Happy 2nd birthday to my little ray of sunshine! I pray that you stay as beautiful, loving, gentle, sweet, funny, happy, and vibrant as you are! We love you sooooooo much, my baby Amari. Thank you for bringing even more color into our lives every day! We’re enjoying every stage of this journey with you. And I promise, no more DIY haircuts on your next bday.”




Credit: @coleen on Instagram

Samantala, sa magkahiwalay na Instagram post naman ni Billy ay isang short video clip ni Amari ang kaniyang ibinahagi, na kung saan ay maririnig ang cute na hagikgik nito sa kanilang munting kulitan moments ng kaniyang Daddy Billy.

At tulad ni Coleen, ay isa ring maramdaming mensahe ang ibinahagi ng singer-dancer-TV host-actor na si Billy para sa kaarawan ng kaniyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“Happy happy 2nd birthday our little angel. Mommy @coleen and I love you SOOOOOOOOOO much! You are such a blessing to have and we thank the Lord up above for you! Hope you enjoy this day cause it’s definitely special” saad nito.

Tunay ngang sa kabila ng kakyutan at bibong personality ni Amari ay dalawang mapagmahal, maalaga at supportive na magulang na sina Billy at Coleen ang handang umalalay at gumabay sa kanilang anak.

The post Coleen Garcia at Billy Crawford, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Amari appeared first on The Trending Planet.



Coleen Garcia at Billy Crawford, masayang ipinagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak na si Amari
Source: Pinoy Hamster

Post a Comment

0 Comments