Isa ang Kapamilya actress at singer na si Belinda Angelito Mariano o mas kinilala ng publiko bilang si Belle, sa mga kilala at sikat na personalidad sa showbiz na umani ng paghanga at papuri mula sa mga netizens.’
Credit: @belle_mariano on Instagram
Nagsimulang umusbong ang karera ni Belle ng siya ay mapabilang sa kiddie gag show na Goin’ Bulilit at nabigyan ng proyekto mula sa iba’t-ibang pelikula at teleserye bilang isang young supporting actress.
Ngunit sa kabila ng kaniyang pagsusumikap sa napiling propesyon upang marating ang natamong kasikatan, ay hindi naman nakaiwas si Belle sa mga natatanggap na negat!bong komento at pambabatik0s mula sa kaniyang ng mga b@shers.
Credit: @belle_mariano on Instagram
Sa kabila ng natatanggap na komento ay pinatunayan nga ng aktres na siya ay hindi lamang isang napakagandang Filipina kundi isa ring napakahusay na artista.
Ito nga ang bagay na pinatunayan ni Belle matapos tumanggap ng parangal nito lamang September 22, 2022, na kung saan ay iginawad sa kaniya ang “Outstanding Asian Star award” ng 17th Seoul International Drama Awards 2022.
Credit: @belle_mariano on Instagram
Makalipas ang isang buwan na botohan ng global fans sa Idol Champ application, ay tila si Belle nga ang kauna-unahang Kapamilya actress na tumanggap ng parangal bilang Philippine winner, kasama pa ang ilan sa mga mahuhusay rin na Asian artists tulad nina China’s Wallace Chung, Japan’s Yusei Yagi, Taiwan’s Alice Ko, at Thailand’s Krit Amnuaydechkrorn.
View this post on Instagram
Sa mga litratong ibinahagi ng Star Magic at Rise Artists Studio ay makikita ang napakagandang mukha ng aktres, suot-suot ang isang fully-beaded pink Filipiniana na ginawa mismo ng napakahusay na fashion designer na si Francis Libiran.
Credit: @belle_mariano on Instagram
Mula sa prestihiyosong drama festival na ito na kinabibilangan ng iba’t ibang Korean broadcast stations, Ministry of Culture, Sports and Tourism, at Seoul Metropolitan Government sa pangunguna ng Seoul Drama Awards Organizing Committee at Korean Broadcasters Association, ay nahigitan nga ni Belle ang 175 na naggagandahan at naggagwapuhang mga artista na nominado rin sa naturang event.
Credit: @belle_mariano on Instagram
Maliban sa aktres ay nominado rin ang kanyang mga kasamahang artista tulad na lamang ang on-screen partner nito na si Donny Pangilinan, Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, Maris Racal, Kaila Estrada, at Zanjoe Marudo.
Matatandaang unang nakatanggap ng nasabing award ang aktor na si Dennis Trillo taong 2016, Alden Richards noong 2019 at 2020 naman ang TV host at aktor na si Dingdong Dantes.
The post Belle Mariano, umani ng pagbati at suporta matapos makatanggap ng prestihiyosong parangal appeared first on The Trending Planet.
Belle Mariano, umani ng pagbati at suporta matapos makatanggap ng prestihiyosong parangal
Source: Pinoy Hamster
0 Comments