Walang mapagsidlan ng labis na tuwa ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff, sa naging masayang selebrasyon ng kaarawan at binyag ng kanilang unica hija na si Baby Dahlia.
Credit: @annecurtissmith on Instagram
Higit na naging espesyal ang araw na ito para sa mag-asawa, dahil hindi lamang isang selebrasyon kundi dalawa ang kanilang inihanda para sa kanilang anak.
Pagbabahagi ni Anne, “Yesterday we celebrated the 2nd birthday of our dearest Dahlia Amélie and welcomed her to the Christian world.”
View this post on Instagram
Nito lamang ika-2 ng Marso, ay naisagawa nga ang makulay at masayang birthday celebration ni Dahlia, na kung saan ay mapapansin na nagmistulang hardin ang naturang venue dahil sa naging set-up nito.
Credit: @annecurtissmith on Instagram
Isang outdoor floral-themed birthday party ang siyang makikita, na siyang gawa at disenyo mismo ng international floral and event designer na si Gideon Hermosa.
Kapansin-pansin ang makukulay at naggagandahang bulaklak na nakapalibot sa pinagdausan ng 2nd birthday at binyag ni Dahlia.
Credit: @annecurtissmith on Instagram
Makikita rin sa ibinahaging litrato ng aktres na kuha mismo ng Family Photography Manila, ang simple at masayang family picture nina Anne at Erwan kasama ang kanilang anak.
Kalakip ang mga naggagandahang litrato at masayang selebrasyong ito ay dalangin rin ni Anne para sa kanyang anak, ang buong kaligtasan at gabay para kay Dahlia hanggang sa paglaki nito.
Credit: @annecurtissmith on Instagram
Aniya, “We pray that the Lord and His angels will always protect and guide her as she grows up. On t’aime tellement notre petite fleur”
Samantala, marami naman sa mga celebrity ang nagbigay ng kanilang pagbati para sa unica hija nina Anne at Erwan.
Credit: @annecurtissmith on Instagram
Ilan sa mga nag-iwan ng kanilang komento ay sina, Bianca Gonzales, Maxene Magalona, Iya Villania, Angel Locsin, Mariel Padilla, Liz Uy, Marian Rivera, Bea Alonzo, Dingdong Dantes at marami pang iba.
Hindi rin naman nagpahuli ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis na batiin ang kanyang pamangkin sa naturang kaarawan nito, matapos niyang ibahagi ang kanilang masayang “duyan adventure” ng magkasama.
View this post on Instagram
“Happiest birthday to my lil duyan partner. You fill my days with so much joy, light, and love. Dahlia, Tata Jas loves you so much can’t wait to see you today and everyday!!!”
The post Anne Curtis, masayang ibinahagi ang 2nd birthday at binyag ng kaniyang anak na si Dahlia Amelie appeared first on The Trending Planet.
Anne Curtis, masayang ibinahagi ang 2nd birthday at binyag ng kaniyang anak na si Dahlia Amelie
Source: Pinoy Hamster
0 Comments